Sinuspinde ng Land Transportation Office ang panghuhuli ng mga pasaway na motorista sa Undas.
Ayon kay LTO Chief Teofilo Guadiz, wala munang huhulihin na motorista ang kanilang mga operatiba sa panahon ng paggunita sa araw ng mga patay bagkus tututukan nila ang pag-alalay sa mga motorista.
Gayunman, kung may mabigat anyang paglabag sa batas trapiko tulad ng makikitang depektibong headlights at kalbong gulong ng mga sasakyan ay hindi papayagan ng LTO na makabiyahe ang mga motorista.
Hanggang Nobyembre a – 4 nakakalat ang mga operatiba ng LTO sa NCR at mga lalawigan upang alalayan ang mga motorista kaugnay ng ‘Oplan Biyaheng Ayos Undas 2022’.
Sa ilalim nito, babantayan ng ahensya ang mga aktibidad sa mga pangunahing lansangan at transport terminals sa Metro Manila at mga lalawigan.