Pinamamadali ni Manila Mayor Joseph Estrada ang paghuli sa mga suspek sa pagpatay sa dalawang (2) Pulis-Maynila.
Ayon kay Estrada, moral duty ng pamahalaang lungsod ng Maynila na bigyan ng hustisya ang pagkamatay nina PO2 Abdul Jabar Alonto at PO1 Jorsan Marie Alafriz.
Si Alonto ay binaril ng riding in tandem sa Paco, Maynila noong Mayo 15 samantalang, labing anim (16) na bala naman ang tumama sa katawan ni Alfriz na pinagbabaril sa may kanto ng Recto at Rizal Avenue noong Marso 19.
Tinitignang motibo sa pagpatay kay Alonto ang tungkol sa trabaho o kaya ay bunga ng rido o clan war dahil miyembro ito ng isang prominenteng pamilya sa Marawi City na mayroong kaalitang isang pamilya.
Samantala, si Alfriz naman ay naka-aresto kamakailan ng isang big time na miyembro ng sindikato ng droga.
By Len Aguirre | With Report from Aya Yupangco