Umapela si Quezon City Representative Winston Castelo sa pamahalaan na ipaubaya na lamang sa mga barangay tanod ang ginagawang panghuhuli sa mga tambay.
Paliwanag ni Castelo, sa ganitong paraan ay mababawasan na ang mga batikos na ipinupukol kaugnay sa anti-tambay campaign ng pamahalaan.
Malawak umano ang karanasan ng mga barangay tanod sa paglutas ng mga kaso ng bagansya at halos kilala rin nila ang mga tao sa kanilang teritoryo.
Sinabi pa ng kongresista na tanging ang pagkakaroon lamang ng armas ang pinagkaiba ng mga barangay tanod sa pulis ngunit parehas din umano ang kanilang layunin na magpatupad ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.