Ipinagmalaki ng Malacañang ang pagiging masigasig at abala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa unang taon nito sa puwesto.
Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, nasa isanlibo tatlongdaan at limampu’t lima (1,355) ang naging aktibidad ng Pangulong Duterte sa buong isang taon nito.
Malayo aniya ito sa unang taon ng nakaraang administrasyon.
Kung tutuusin ayon kay Andanar ay wala halos pahinga ang Pangulong Duterte.
“Ano ba yung naging activity noong nakaraang administrasyon, para sa mga kababayan natin meron tayong 116 resting days, ang bawat Pilipino na nagtatrabaho legally we can rest for 116 days, alam niyo ba kung ilang days lang ang ginamit ng Presidente sa 116? 76 lang.” Ani Andanar
Kaya paki-usap ni Andanar sa publiko, huwag nang intrigahin kung nawawala ang Pangulo at bigyan aniya ng laya ang presidente na makapagpahinga.
“Para sa mga kababayan natin, siguro bigyan natin ng liway ang Pangulo na magpahinga kasi limang taon pa po ang susuungin ng Pangulo marami pang problema sa bansa ang kailangan na ayusin.” Pahayag ni Andanar
By Ralph Obina | Karambola (Interview)
Pagiging abala ng Pangulo sa unang taon sa puwesto ibinida was last modified: June 30th, 2017 by DWIZ 882