Welcome sa Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) ang naging desisyon ni President-Elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Junior na pangasiwaan ang Department of Agriculture.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Rosendo So, Chairman ng SINAG, na tiwala silang masosolusyunan ang mga problema sa sektor ng agrikultura kapag pinamunuan ni Marcos ang nasabing ahensya.
Kabilang aniya sa mga kailangang ayusin o matugunan ng papasok na administrasyon ang smuggling at suliranin sa pataba.