Hinikayat ni Senator Loren Legarda ang mga local at international artists na gayahin ang Hollywood actor na si Leonardo DiCaprio na aktibo sa usapin ng climate change.
Giit ni Legarda, tulad ni DiCaprio, magagamit din ng ibang mga sikat na aktor ang kanilang impluwesiya para mahikayat ang mas marami na tumulong sa pagtugon sa banta ng pagbabago ng klima.
Pinuri ng Senadora si DiCaprio dahil sa acceptance speech nito nang manalo bilang best actor sa Academy Awards matapos manawagan para sa sama-samang pagkilos laban sa pag-init ng mundo.
By Jelbert Perdez | Cely Bueno (Patrol 19)