Nagkasama-sama sa iisang okasyon ang tatlong opisyal ng pamahalaan na madalas maging laman ng mga talumpati at birada ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa ika-25 anibersaryo ng CFAG o Constitutional Fiscal Autonomy Group na binubuo ng anim na connotational bodies, naglahad ng kani-kanilang mga mensahe sina Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno, Ombudsman Conchita Cario – Morales at CHR o Commission on Human Rights Chair Jose Luis Chito Gascon.
Bagama’t walang naging direktang patama o birada si Ombudsman Morales laban sa Pangulo, binigyang diin naman nito may pag-asa sa bawat pagsubok na nararanasan ng bansa.
Wala namang naging komento si Sereno hinggil sa kinahaharap niyang impeachment, subalit binigyang diin nito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga malalakas na institusyon para labanan ang pang – aabuso.
Sinagot naman ni Gascon ang mga alegasyon laban sa CHR na nag-uugnay umano sa pagpapabagsak sa administrasyon.