Dapat ng abandonahin ng susunod na Pangulo ng bansa ang pagiging “benggatibo” kung saan ipinapakulong ang mga kalaban sa pulitika.
Ito, ayon kay Senador Bongbong Marcos, ay dahil counter-productive at nagiging sanhi ng pagkakawatak ng sambayanang Pilipino ang ginawa ng nakalipas at kasalukuyang administrasyon na pagpapakulong sa mga katunggali sa pulitika.
Giit ni Marcos, dapat ng kalimutan ang kultura ng pagiging benggatibo sa halip ay gawin ng susunod na Pangulo ay sikaping pag-isahin ang sambayanan upang magtulungan ang lahat sa ikabubuti ng bansa.
Dapat din aniyang maging top priority ng susunod na Pangulo ay isulong ang pagpapalago ng ekonomiya at pagpapahusay ng kalagayan ng mga mamamayan at hindi ang paghabol sa mga kalaban sa pulitika.
By Drew Nacino | Cely Bueno (Patrol 19)