Welcome sa International Criminal Court ang pagiging bukas ng Pilipinas sa imbestigasyon sa sinasabing extra judicial killings sa war on drugs ng Duterte administration.
Ayon sa ICC, ikinagagalak nila ang pakikipag-ugnayan ng estado sa kanila.
Umaasa anya sila sa mas higit pangpakikipagtulungan at kooperasyon ng bansa sa nasabing imbestigasyon.
Una rito, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na maaaring makipagtulungan ang gobyerno ng Pilipinas sa imbestigasyon ng ICC sa mga partikular na lugar.
Gayunman, nanindigan ang malakanyang na nakadepende pa sa magiging aksyon ng International Criminal Police Organization ang pakikipagtulungan ng pamahalaan sa ICC. – Sa panulat ni Kat Gonzales