Inaasahan ang pagiging “Delta-resilient” ng Metro Manila sa gitna ng patuloy na vaccination rollout sa bansa ayon sa OCTA Research.
Sinabi ni Fr. Nicanor Austriaco ng OCTA Research, nabakunahan na ng first dose ang nasa 20 hanggang 70% ng populasyon sa bawat lokal na pamahalaan sa National Capital Region (NCR).
Dahil aniya dito malaki ang tyansa na maabot ng NCR ang pagiging Delta resilient na sinasabing 60% mas nakakahawa kumpara sa Alpha variant.
Ipinunto rin ni Austriaco ang pagiging “low risk” ng NCR batay sa metrics na pinagtibay ng Department of Health.