Wala pang sapat na ebidensya na epektibo ang gamot na Ivermectin kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa katunayan, ipinabatid sa DWIZ ni Food and Drug Administration Director General Eric Domingo na tuluy-tuloy pa ang clinical trials hinggil sa Ivermectin.
Maging ang World Health Organization (WHO) mismo aniya ay nag-a-advise na huwag munang gamitin ang Ivermectin laban sa COVID-19.
So far, kahit ang WHO nagsasabi na hinay-hinay muna, ‘wag muna syang gamitin outside the clinical trial kasi nga po hindi pa sya completely proven,” ani Domingo.
Kasabay nito, kinumpirma ni Domingo ang application para sa product registration ng Ivermectin para sa tao.
Meron nang nag-apply sa amin for certificate of product registration for human use,” ani Domingo. —sa panayam ng IZ sa Alas Sais