Napanatili ni Vice President Jejomar Binay ang pangunguna nito sa mga presidentiable sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) na kinumisyon ng pahayagang Business World.
Base sa SWS survey na isinagawa noong Pebrero 5 hanggang 7, nakakuha si Binay ng 29 na porsyento mula sa 1,200 respondents.
Dumikit naman kay Binay at nagtabla sa ikalawang puwesto sina Davao City Mayor Rodrigo at Duterte Senadora Grace Poe na kapwa nakakuha ng 24 na porsyento.
Labing walong (18) porsyento naman ang nakuha ni Administration bet Mar Roxas habang apat na porsyento lamang ang nakuha ni Senadora Miriam Defensor Santiago.
Samantala, nagpapasalamat ang kampo ni Binay sa patuloy na pagtitiwala at pagsuporta sa kanya ng taumbayan.
Para kay Mon Ilagan, tagapagsalita ng United Nationalist Alliance o UNA, ang pagiging ground warrior ni Binay ang dahilan kung bakit ito nangingibabaw sa mga survey.
“Sinasabi natin na ang sikreto ni Vice President diyan, ako kung tawagin ko ay lamang kalye talaga yan eh, he’s a ground warrior, napapanatili niya ang pagiging number one sa survey dahil siguro sa tiwala na din ng taong bayan despite the issues and allegations na ginamit sa kanya ng senado, ng kalaban sa pulitika, siya at ang kanyang pamilya ay napanatili ang pagiging number 1.” Pahayag ni Ilagan.
By Meann Tanbio | Ratsada Balita