Epektibo na kahapon, August 29 ang pagiging hepe ng Iloilo City Police ni Chief Inspector Jovie Espenido.
Ipinabatid ito ni PNP Chief Director General Ronald Bato Dela Rosa dahil ASAP o As Soon As Possible ang bagong assignment ni Espenido kasunod ng kautusan mismo ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Dela Rosa na hindi Presidential Directive kundi desisyon niya ang naunang dalawang assignment ni Espenido sa Albuera, Leyte at Ozamiz City.
By: Judith Larino
SMW: RPE