Mayroong kausap na 18 senador si Senator Tito Sotto, hinggil sa kanyang planong maging senate president.
Sinabi ni Sotto na tinututukan nila ang pananatiling independent ng senado pero mayroong working relationship kay incoming President Rodrigo Duterte.
Kabilang aniya sa kanyang mga kausap si Senator Koko Pimentel at ilang Liberal Party senators.
Bahagi ng pahayag ni Senator Tito Sotto
Vs illegal drugs
Naniniwala si Senator Tito Sotto na kailangang paghusayin din ang rehabilitation para malabanan ang problema sa iligal na droga.
Sinabi ni Sotto na hindi sapat ang pagbabawas sa supply ng iligal na droga dahil tiyak na makakagawa ng paraan ang mga lango sa droga na makahanap ng alternatibo.
Iminungkahi din ni Sotto ang pagkakaroon ng hiwalay na kulungan na nasa isang isla para sa mga high level drug convicts upang mabawasan ang panganib na maipagpatuloy pa ng mga ito ang kanilang transaksyon.
Bahagi ng pahayag ni Senator Tito Sotto
By Katrina Valle | Karambola