Umaasa si Cavite Gov. Jonvic Remulla na maipagpatuloy pa rin ng pamahalaan na gamitin ang Sangley Airport sa Cavite para gawing international airport.
Ito’y upang mabigyang solusyon na ang matagal nang problema ng siksikan ng pasahero gayundin ng mga eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Magugunitang sumailalim sa matinding rehabilitasyon ang Sangley Airport nuong 2018 at target na magamit ito bilang international gateway sa 2030.
Pero binawi ng pamahalaang panlalawigan ng Cavite ang kasunduan sa joint venture Micro-Asia at ng China Communication Corporation.
Sa kasalukuyan, operational na ang Sangley Airport pero para lamang ito sa general aviation o para sa mga maliliit na eroplano.
Mayruong 160 passenger capacity terminal building ang bagong Sangley Airport, may dalawang hangar at isang malapad na runway sakaling maging functional na bilang international airport.