Inaalam na ng Armed of Forces of the Philippines (AFP) kung may mga miyembrong dayuhang bandido ang Maute group.
Ito ay kaugnay sa nangyaring bakbakan sa pagitan ng militar at Maute sa bayan ng Piagapo sa Lanao del Sur kung saan tatlumpu’t anim (36) ang nasawi sa panig ng mga rebelde.
Ayon sa AFP, ilan sa mga narekober nilang bangkay ng mga bandido ay mukhang mga Indonesian o Malaysian.
Maliban dito, napansin din ng ilang sundalo na ilan sa kanilang mga naka-engkwentrong bandido ay iba ang salita.
Matatandaang Nobyembre ng nakaraang taon nang sabihin ng pangulong Rodrigo Duterte na konektado ang international terrorist group na ISIS sa Maute group.
By Ralph Obina
Pagiging kasapi ng mga dayuhan sa Maute group inaalam na ng AFP was last modified: April 25th, 2017 by DWIZ 882