Giniba ng 70 kongresista ang pagiging king maker at kingslayer ng ABS-CBN.
Ito, ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, ang mga pangunahing dahilan kaya’t pinatay ang prangkisa ng ABS-CBN.
Sinabi ni Cayetano na kabilang sa mga isyu ng mga kongresistang bumoto kontra sa prangkisa ng media giant ay paglusot nito sa election at tax laws, paggamit sa network para protektahan ang kanilang negosyo at dahil sa laki ng impluwensya nito sa pulitika sa bansa.
Kasaysayan na lamang aniya ang huhusga sa naging takbo ng operasyon ng Kapamilya network sa mga nakalipas na panahon.