Kinuwestiyon ni House Blue Ribbon Committee Chairman Joel Chua ang biglaang pag-representa ni Vice President Sara Duterte, bilang legal counsel ng Chief of Staff ng Office of the Vice President na si Atty. Zuleika Lopez.
Ayon kay Representative Chua, hindi pinahihintulutan ng saligang batas ang presidente, bise presidente, at mga miyembro ng gabinete na gamitin ang kanilang mga propesyon.
Dahil dito, hindi aniya maintindihan kung paano mag-aaabogado si VP Sara para sa Chief of Staff nito.
Mababatid na sinubukang harangin ng bise presidente ang at iprinisenta ang sarili bilang abogado ni Lopez nang isilbi ang atas ng komite na ilipat ng pasilidad ang OVP official. - sa panulat ni John Riz Calata