Pinaalalahanan ng National Task Force against COVID-19 ang publiko na huwag pa ring magpaka-kampante at mahigpit pa ring sundin ang mga minimum health protocols.
Ayon kay National Task Force Chief Implementer Sec. Carlito Galvez, malayo na ang narating ng Pilipinas sa pagsunod sa mga panuntunan para iwasan ang COVID-19 kaya’t dapat itong magpatuloy.
Ngayong panahon ng pagbibigayan, ipinaalala ni Galvez na walang ibang mainam na regalo sa pamilya at mga mahal sa buhay kung hindi ang pagiging ligtas mula virus.
Giit ng kalihim, bagama’t mayruon nang nakikitang kaunting liwanag dahil sa paparating na bakuna kontra COVID-19, mahalaga pa rin ang pagsusuot ng facemask at face shield, umiwas sa pakikisalamuha sa ibang tao at panatilihin ang kalinisan ng pangangatawan maging ng kapaligiran.