Mariing itinanggi ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang mga pahayag ni self-confessed Davao Death Squad member Arturo Lascañas’ na siya ang itinuturing na ‘Lord of All Drug Lords’.
Ito ay matapos tanungin ni House Quad Comm Co-Chairman Dan Fernandez, kung totoo ang sinabi ni Lascañas’ na sa dating presidente nanggaling ang mga utos kung sino ang papatayin at saan dadalhin ang katawan ng mga mapapatay.
Ayon kay dating pangulong Duterte, storyteller at siraulo si Lascañas’.
Gayunman, aminado ang dating pangulo na kilala niya ang dating Davao City police officer. - sa panulat ni Laica Cuevas