Pinaalalahanan ng Department Of Health (DOH) ang ilang opisyal ng gobyerno maging ang publiko na maging maingat sa pagkakaroon ng interpretasyon na bumababa na ang kaso ng COVID-19 lalo sa Metro Manila
Ito’y matapos ipahiwatig ni MMDA Chairman Benjur Abalos ang posibilidad na ibaba na sa level 3 ang alert status sa Metro Manila dahil sa bumabagal na hawaan at bumababang kaso ng COVID-19.
Gayunman, nilinaw ni DOH Spokesperson, Undersecretary Rosario Vergeire na maaaring dahilan ng pagbaba ng kaso ng COVID ay dahil bumaba rin ang testing ng ibang laboratoryo.
Bukod pa anya ito sa maling paggamit ng iba sa antigen test kaya’t hindi nila ito isinama sa bilangan ng daily cases.
Sa mga susunod na araw pa inaasahang idaragdag ng kagawaran ang mga positive result mula sa antigen test at tutukuyin sa mga ito ang may positibong resulta.—sa panulat ni Angelica Doctolero