Panibagong pasanin at gastos ng mga mahihirap na Pilipino ang panibagong mandatory requirement ng Transportation department na pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong sasakyan simula sa ika-15 ng Agosto.
Ito ang inihayag ni Senadora Imee Marcos sa harap ng pagtutol ng karamihan dahil sa naging epekto ng pandemya tulad ng pagkawala ng trabaho sa ilan.
Giit pa ng senadora, sa halip na ipambili na noodles, mapupunta pa ito ngayon sa pambili ng face shield.
Dahil dito, sinabihan ni Marcos si Transportation Secretary Arthur Tugade na huwag anila biglain sa gastos ang ating mga kababayan lalo’t hirap na hirap na ang mga manggagawa at iba pang mananakay dahil sa nagpapatuloy na pandemya.
Samantala, iginiit din ng senadora na bakit hindi mamigay ng libreng face masks ang Transportation department.