Tutupadin ng Department of Budget and Management (DBM) na magiging masinop ang kanilang ahensya sa paglalabas o paggastos sa pondo ng bansa.
Ayon kay DBM secretary Amenah Pangandaman, suportado ng kanilang ahensya ang nais ng Pangulo na makamit ang masigla at maunlad na ekonomiya.
Sinabi ni Pangandaman, na mamadaliin ng kanilang ahensya ang implementasyon hinggil sa economic gains at maisulong ang economic trajectory para maresolba ang malalang epekto ng pandemiya.
Tiniyak din ng Kalihim na mas magiging matipid ang bansa kung saan, ipaprayoridad ang sapat na pagkain, imprastraktura at climate change goals.
Kumpiyansa naman si Pangandaman, na kayang makamit ng bansa ang matatag at maunlad na ekonomiya sa ilalim ng liderato ni Pangulong Bongbong Marcos.