Hindi sumuko ang mga Pilipino sa kabila ng napakaraming pagsubok na pinagdaanan ng bansa sa taong 2020 kabilang ang mga sakuna at kalamidad.
Binigyang diin ito ni Vice President Leni Robredo bilang mensahe ngayong bagong taon.
Sa pagkakataong ito aniya ay muling napatunayan na walang Pilipinong nag-iisa at hindi kayang pasukin ng 2020 ang mga Pilipino.
Sa pagsalubong sa bagong taon sinabi ni Robredo na magiging mas malalim ang pagdiriwang at mas maluwang ang pahinga sa pagsasara ng taong 2020.
Ipinaalala ng Bise Presidente na hindi pa mawawala ang virus sa pagpapalit ng kalendaryo kaya’t hinihimok niya ang bawat Pilipino na patuloy na mag-ingat at sumunod sa health protocols.