Ipinagmalaki ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang mga nagawa na ng kanyang ahensiya upang mapabuti ang kalagayan ng mga paliparan sa bansa.
Ayon kay Tugade, mismong ang international community na ang nakapansin na mula sa pagiging worst airport dati, kabilang na ngayon ang NAIA sa most improved airport.
Pahayag ng DOTR official, maging ang mga palikuran sa mga paliparan sa bansa ay malinis na, bagamat aminado siyang hindi pa ito kasing moderno ng mga naggagandahang airport sa buong mundo.
Nawala na rin aniya ang laglag bala na isa sa mga kontrobersiyang kinaharap ng nagdaang administrasyon.
Binigyang diin pa ni Tugade na mula sa pagiging unfriendly ng mga paliparan, ngayon ay mayroon na itong mas malakas na internet signal kungsaan maari nang makapanood ng moives ang mga pasahero.
Samantala, nagpapatuloy naman aniya ang expansion ng mga paliparan at pagpapatayo ng mga airport sa ibat ibang lugar sa bansa.