Iginiit ng Amerika na nanatili itong neutral sa usapin ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Ginawa ni US Secretary of State John Kerry ang pahayag sa kanilang pagkikita ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay.
Ayon kay Kerry, naninindigan ang Amerika sa paggiit ng pagrespeto sa freedom of navigation.
Pinapurihan din ni Kerry ang aniya’y responsable at measured way na pagtugon ng Pilipinas sa naging desisyon ng Permanent Court of Arbitration.
Naniniwala ang Amerika na tanging pag-uusap sa pagitan ng China at Pilipinas ang paraan upang mapahupa ang tensyon sa rehiyon.
Bukod sa naging desisyon ng Arbitration Court, napag-usapan din sa naging pagpupulong kung paano masusugpo ang violent extremism, paglaban sa transnational crime, human trafficking at pagtugon sa kalamidad.
By Rianne Briones
Photo Credit: Malacañang Photo Bureau