Inalala ng mga Pilipino ang kabanalan at kababaang loob ni Mother Teresa nang bumisita ito sa bansa
Ayon kay Judith Ignacio Whuillas, labing isang taon pa lamang siya nang masilayan niya ang tinaguriang the living saint nang bumisita ito sa Calbayog Samar nuong 1986
Hindi niya malilimutan ang halimuyak ni Mother Teresa na aniya’y maihahalintulad sa mga bulaklak
Para naman kay Retired Archbishop Oscar Cruz, walang kapares ang pagiging mababang loob at simple ni Mother Teresa
Pumanaw si Mother Teresa sa edad na walumput pito nuong 1997 at idineklarang beata ng ngayo’y Santo na rin na si Pope John Paul II nuong 2003
By: Jaymark Dagala