Malapit nang maabot ng Pilipinas ang pagiging self-sufficient nito sa palay sa susunod na dalawang taon.
Ito’y ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay kung magpapatupad ng malawakang reorganization sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
Sa pakikipagpulong ng Pangulo sa mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) at National Irrigation Administration (NIA), dito’y natalakay ang kasalukuyang estado ng irrigation system ng bansa habang inilatag din ang timetable para sa mga dapat na gawin sa pagsasakatuparan ng nasabing layunin.
Ayon sa Presidente, dahil mahalaga ang kooperasyon at koordinasyon ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan, asahan na raw na sa susunod na pulong ay makakasama na nila ang mga opisyal ng DPWH at NEDA.