Target ng pamahalaan ang pagiging self-sufficient ng Pilipinas sa industriya ng kape sa pagsapit ng taong 2022.
Ito’y makaraang iendorso kay Pangulong Rodrigo Duterte ng Departments of Agriculture at Trade and Industry ang Philippine Coffee Industry Road Map.
Layon ng nasabing hakbang na mapataas ang produksyon ng lokal na kape sa bansa ng hanggang sa mahigit 214 na metriko tonelada sa nabanggit na taon.
Dahil dito, sinasabing hinid na kakailanganin pa ng Pilipinas na mag-angkat ng kape bagkus, may kakayahan na ang bansa na makapag-export ng produkto nito sa ibayong dagat.
By Jaymark Dagala