Aprubado na ang pagiging ganap na Siyudad ng Calaca, Batangas na dating isang First class Municipality.
Sa ginanap na plebisito kahapon, tinanong ang mga botante kung pabor ang mga itong gawing Lungsod ng Batangas ang Munisipalidad ng Calaca, alinsunod sa Republic Act 11544.
29, 424 indibidwal ang bumotong yes sa desisyon habang 3,791 ang nagsabi ng no.
Ngayong isa nang Lungsod ang Calaca, mas maraming programa at proyekto ang maisasagawa.
Dahil sa plebisito, ang Calaca ay magiging panlimang Lungsod na sa Batangas sinundan ng Santo Tomas, na naging lungsod noong September 7, 2019.
Ang tatlong iba pang siyudad sa Batangas ay ang Tanauan, Lipa at ang kabiserang Batangas City.