Marami sa atin ang nais magkaroon ng sariling negosyo. Pero bago sumabak sa negosyo, dapat alamin mo muna kung ano ang siyensya sa likod ng sales o advertising dahil ito ang susi sa pagkakaroon ng successful business.
Sa katunayan, mayroong tatlong salita na kahit kailan, hindi mo dapat gamitin sa pang-eengganyo ng customers.
Una, expensive. Ayaw ng customers na malamang bumibili sila ng mahal dahil iisipin lang nilang sobra ang binayad nila. Imbes na sabihing expensive ang iyong produkto, tawagin mo itong premium.
Hindi mo rin pwedeng tawaging cheap ang iyong produkto o serbisyo dahil sa tingin nila, mayroon itong low quality. Instead, sabihin mong affordable ito para maisip ng customers na makakakuha sila ng good deal.
Panghuli sa listahan ang salitang try. Kapag sinabi mong try, iisipin ng iyong customers na may tiyansang mag-fail ang iyong produkto o serbisyo kung susubukan nila ito. Kung gamitin mo naman ang salitang explore, maipapahiwatig mong may opportunity pa itong mag-grow.
Mahalaga ang mabuting pagpaplano at pag-aaral sa negosyo, lalo na kung nagsisimula ka pa lang palaguin ito. Kaya kung gusto mong magtagumpay rito, sundin mo lang ang tips namin at paniguradong dadagsa ang iyong customers.