Walang katotohanan.
Ito ang reaksyon ng komedyanteng si Pokwang kaugnay ng mga lumalabas na ulat na siya na umano ang sumusuporta sa kanyang Amerikanong boyfriend na si Lee O’brian.
Giit ni Pokwang dapat maging masaya na lang ang lahat sa kanyang relasyon ngayon kaysa sa magpakalat ng mga walang basehang ulat.
Anya, hindi naman sila nanghihingi ng pera sa kung sino kayat wala aniyang karapatan ang mga ito na husgahan sila.
Sinabi rin ni pokwang mahalaga sa kanyang buhay si O’brian lalo na’t kasundo aniya nito ang kanyang anak.
By: Ralph Obina