Winelcome ng ilang Senador ang appointment ni NCRPO Chief Director Oscar Albayalde bilang susunod na PNP Chief.
Ayon kay Senador JV Ejercito good choice si Albayalde para pamunuan ang police force dahil isa ito aniyang fine officer at disciplinarian.
Tinukoy ni Ejercito ang paglilibot at pag i inspeksyon ni Albayalde sa ibat ibang himpilan ng pulisya sa Metro Manila para matiyak na nagta trabaho ang kaniyang mga pulis ay malinaw ng debosyon nito bilang opisyal.
Sinabi naman ni Senador Sherwin Gatchalian na inaasahan niyang malilinis ang PNP mula sa mga scalawags dahil kilala si Albayalde sa kakaibang istilo nang pagpapatupad ng mahigpit na disiplina sa mga pulis.
Samantala binigyang diin naman ni Senate Majority Floorleader Vicente Sotto the Third ang malinis na record ni Albayalde kayat walang dudang kuwalipikado itong maging hepe ng PNP.