Dapat manatiling tapat at huwag maging abusado sa tungkulin.
Ito ang ipinaalala ni Pangulong Bongbong Marcos sa Philippine National Police sa kanyang pagdalo sa 121st Police Service Anniversary sa Multi-Purpose Center sa Camp Crame kahapon.
Ayon kay Pangulong Marcos, dapat ibigay ng bawat pulis ang kanilang dedikasyon sa pagseserbisyo at kailangan ng PNP ang suporta ng publiko upang mapanatili ang peace and order sa bansa kaakibat ng pag-unlad.
Wala anyang imposible kung sama-sama at tulung-tulong upang labanan ang mga nagtatangkang gumawa ng gulo.
Binigyan diin din ni PBBM na dapat tiyakin ng Pambansang Pulisya na makatuwiran ang paggamit ng puwersa sa kanilang tungkulin para maiwasan ang mga kontrobersiya.
Samantala, kumpiyansa naman ang Punong Ehekutibo sa pamumuno ni Gen. Rodolfo azurin bilang PNP chief at suportado niya ang mga programa nito para sa mga pulis at publiko.