Duda ang National Police Commission o NAPOLCOM na mababawasan na ang bilang ng pulis ‘scalawags’ dahil sa dobleng pasahod na ipinagkaloob ng pamahalaan sa mga miyembro ng Philippine National Police o PNP.
Ayon kay NAPOLCOM Vice Chairman Atty. Rogelio Casurao, hindi aniya basta na lamang babait ang mga pulis na sangkot na sa mga iligal na gawain dahil lamang sa tumaas ang kanilang sahod.
Binigyang diin nito na mananatiling tiwali ang mga pulis bigyan man ito ng milyong pisong suweldo ang mga ito.
Matatandaang batay sa Joint Resolution Number 1, ang mga police officer 1 o PO1 ay tatanggap na ngayon ng mahigit P26,000 mula sa dating mahigit P14,000 nilang suweldo.
—-