Suportado ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Comissioner Greco Belgica ang naging hamon sa liderato ng Kamara sa pangunguna ni House Speaker Lord Allan Velasco na isapubliko ang kanilang Statement of Assets Liabilities and Networth(SALN) sa katwirang una ang transparency at accountability sa ipinangako nito sa mga botante nang sila ay nangangampanya.
Ayon kay Belgica, obligasyon ng mga mambabatas na ipakita ang kanilang tunay na SALN upang malaman kung walang tinatago.
“naniniwala ako hindi lang bilang Commissioner ng PACC kundi bilang isang Pilipino na isa yan sa ipinagako nila noong kampanya. Mas maganda na maging totoo sila sa tao”pahayag ni Belgica.
Si Belgica ay una nang nagsiwalat na ilang miyembro ng Kamara na tumanggi pa niitong pangalanan, ang sangkot sa korupsyon sa pagitan ng mga DPWH officials, aniya, nagiging substandard o hindi nakukumpleto ang mga DPWH projects dahil 50% ng pondo ay napupunta sa corrupt activities.
Sa inisyal na imbestigasyon ng PACC ay 10 hanggang 15% ang cut sa infrastructure projects ng mga kongresista habang may share din sa pondo ang mga District Engineers at Contractors.
Inamin ni Belgica na may mga ebidensya nang hawak ang PACC at kanilang tutukuyin ang mga sangkot na kongresista sa oras na masiumite nila kay Pangulong Rodrido Duterte ang report.
“makakaasa ang mga kababayan natin na uusad ang kaso at mananagot ang dapat”pagtiya pa ni Belgica.
Ang paglalabas ng SALN ay isa sa pinakamalaking hamon sa mga elected at government official, bagamat obligado ang mga nasa gobyerno na magsumite kada taon ng SALN ay hindi naman nailalabas ito, sa Kamara halimbawa, ang record ng SALN ay guwardiyado ng CCTV.