Hinimok ni senate minority leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na maging transparent sa P544-billion lump sum appropriations na inihain nito sa ilalim ng proposed budget para sa 2023.
Ayon kay Pimentel, bawat piso sa budget ay dapat paghiwa-hiwalayin, lumang tugtugin na rin aniya ang pagtatago ng bilyon-bilyong halaga ng lump sum at dapat iwasan ang ugaling ito.
Bukod pa rito prone rin aniya ang naturang lump sum sa pang-aabuso at discretion.
Nabatid na batay sa national expenditures program, ang dpwh ay P718.4 bilyong pondo sa ilalim ng panukalang P5.268 trilyon para sa susunod na taon.