Ikinalulungkot ni Manila Archbishop Luis Cardinal Tagle ang pagiging “uhaw sa posisyon o kapangyarihan” ng mga kandidato sa May 9 elections na nagresulta sa batuhan ng putik.
Ayon kay Cardinal Tagle, masyado ng dikdikan ang batuhan at siraan totoo man ito o hindi hangga’t hindi napapatalsik ang kalaban.
Isa anya itong malungkot na katotohanang kinakaharap ng estado ng pulitika at pamamahala sa bansa.
Iginiit ng Arsobispo na ang paghahangad na manalo ang nagiging tulay upang mag-inggitan at magsiraan ang bawat kandidato o maghatakan pababa na mas kilala sa ingles na crab mentality.
Inihayag din ni Tagle dapat mangingibabaw ang pagmamahalan at habag sa kapwa sa halip na mamayani ang sariling interes at paghahangad ng tagumpay ng bawat isa.
By: Drew Nacino