Mahabang talakayan at debate pa ang kinakailangan para maresolba ang usapin kung sino ba ang tunay na naging unang Pangulo ng Pilipinas.
Ito ang ginawang pag-amin ng NHCP o National Historical Commission of the Philippines kasunod ng panawagan ng apo sa tuhod ni Bonifacio na pag-aralan ang kasaysayan at ikonsidera ang pagkilala sa Supremo bilang tunay na unang Pangulo ng bansa.
Ayon kay NHCP Chairman Rene Escalante, nagbukas na sila ng debate hinggil dito subalit hindi naman nailinaw ng mga nasa panig ni Bonifacio ang istruktura o kung anong klaseng gubyerno ang itinatag nito.
Una nang inihayag ng apo sa tuhod ni Bonifacio na si Gregorio na batay sa mga dokumentong kanilang hawak, may naitatag nang grupo ang kaniyang ninuno na may pangalang Haringbayan Katagalugan bago pa man ideklara ang pagiging Pangulo ni Heneral Emilio Aguinaldo.