Nirerespeto ni Senador Koko Pimentel ang pag papaimbestiga ng Palasyo sa sinasabing Leni Leaks na umano’y plano ng mga supporter ni Vice President Leni Robredo na patalsikin sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.
Inamin ni Pimentel na wala siyang impormasyon ukol sa Leni Leaks dahil hindi naman nya ito ikinababahala.
Gayunpaman, sinabi ng Senate President na iginagalang niya ang pasya ng Palasyo na seryosohin at paimbestigahan ito.
Samantala, taliwas naman dito, sinabi ni Senate President Pro Tempore Franklin Drilon na nagsasayang lang ng oras ang Palasyo sa pagpapaimbestiga ng tinatawag na Leni Leaks.
By: Avee Devierte / Cely Bueno