Sinimulan na ngayong araw ang pagpapaimprenta ng Comelec o Commission on Elections ng mga gagamiting balota para sa may 2019 midterm elections.
Ito’y makaraang ilang beses na maantala ang pagimprenta ng halos 65 milyong kinakailangang balota para sa nalalapit na halalan.
Muling pangungunahan ng National printing office sa Quezon City ang pag-imprenta ng mga official ballots.
Mahigpit ang seguridad sa server room kung saan isinasagawa ang proseso ng pagimprenta.
Isasailalim din ang mga naimprenta nang balota sa verification room para ma-scan kung mayroon mang kamalian o depekto sa pagsasagawa.