Hindi na muling papayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na maantala ang pag-apruba sa proposed national budget ayon sa palasyo ng Malakanyang.
Base sa pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nagkaroon ng malaking epekto sa mga proyektong pang ekonomiya ang nangyaring pagkaantala ng panukalang 2019 national budget.
Ito umano ang dahilan kung bakit ipinasisiguro ng Pangulo na maaprubahan sa tamang oras ang panukalang budget ngayong taon.
Samantala, nagbigay na ng liham ang Pangulo kina House Speaker Alan Peter Cayetano at Senate President Tito Sotto matapos sertipikahang urgent ang 2020 proposed national budget. — ulat mula kay Jopel Pelenio (Patrol 17)