Aminado si 1-Rider Partylist Representative Rodge Guttierez, na malaking hamon para sa binuong 11-man prosecution team ng kamara ang pagkaantala sa impeachment trial ng Senado laban kay Vice President Sara Duterte.
Sinabi ni Congressman Guttierrez, na nahihirapan ang panel sa paghahanda para sa paglilitis dahil hindi pa nila alam ang rules o magiging panuntunan ng Impeachment Court.
Iginiit pa ng Mambabatas na general preparations pa lamang ang ginagawa ng prosekyusyon para sa lahat ng posibleng scenario kabilang na ang timeline; mga prosesong pahihintulutan at ipagbabawal; maging ang pagkuha ng external lawyers.
Nagpapatuloy anya ang kanilang paghahanda kahit na maisipan ni vp sara na magbitiw sa kasalukuyang puwesto dahil mayroon pa aniyang reresolbahing “Perpetual disqualification.”
Punto ng Kongresista, taumbayan at ilang “Luminaries” na ang nagpaliwanag ukol sa katagang “Forthwith” Na nangangailangan ng agarang hakbang laban sa impeachment ng bise presidente. – mula sa ulat ni Geli Mendez (Patrol 30)