Iginiit ng Manila Water Services na wala pa silang natatanggap na opisyal na abiso mula sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System kaugnay sa planong pagpataw ng mas matinding parusa sa mga water concessionaires na mabibigong gampanan ang kanilang serbisyo sa taumbayan.
Kasunod ito ng pagkaantala ng tubig sa ilang lugar sa bansa partikular na sa metro manila, bunsod ng maintenance activities.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Dittie Galang, Head Corporate Communications ng Manila Water, na pinag-aaralan na nila ang implementing rules and regulation sakaling magpatupad ng kautusan ang mwss.
Ayon kay Galang, mababa ang posibilidad na magpatupad ng water interruption ang Manila Water sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa sa kabila ng epekto ng El Niño.