Para sa mga nagtataka kung bakit laging inaantok sa umaga kahit nakatulog naman kagabi? narito na ang payo sa inyo.
Ang Hypersomnia ay kondisyon kung saan nakakaranas ng labis na pagkaantok ang isang tao sa umaga kahit na natulog sa gabi.
Pwede itong primary condition o pwedeng dahil din sa ibang sakit tulad ng sleep apnea, parkinson’s disease, kidney failure o chronic fatigue syndrome.
Ang sintomas ng Hypersomnia ay mababang energy, iritable, kinakabahan, walang gana kumain, mabagal mag-isip o magsalita, hirap makaalala, laging pagod at walang pahinga.
Iba-iba ang gamutan ng Hypersomnia depende sa sanhi nito kung saan may mga gamot na stimulant na binibigay ang mga doktor sa ilang mga tao.
Mahalaga ang lifestyle change maging ang regular na pagtulog at iwasan ang heavy meal sa gabi.
Iwasan din ang labis na kape, sigarilyo at alak. kung may problema sa pagtulog, kumonsulta sa inyong mga doktor.