Posibleng abutin pa ng 10 buwan bago makumpleto ang paglalagay ng internet access sa may 7,000 public schools sa bansa.
Nakapaloob ito sa ika-14 na report ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso bilang pasunod sa Bayanihan to Heal as One Act.
Gumulong na anya ang P700-million project ng Department of Education (DepEd) para mabigyan ng internet access ang mga pampublikong paaralan subalit posibleng makumpleto ito sa susunod na taon.
Gayunman, nakasaad sa report ng pangulo na inatasan na ng Department of Information Communication Technology (DICT) sa kanilang regional offices na makipag ugnayan sa DepEd at CHED para sa agarang paglalagay ng libreng WiFi at internet access service sa mga paaralan.
Nakatakdang magbukas ang klase para sa school year 2020-2021 sa Agosto.