Dapat magsilbing wake up call sa traditional media platforms ang resulta ng survey kung saan lumalabas na mas marami ang nakadepende sa social media para sa mga balita.
Ayon kay U.P Professor Danny Arao, dapat palakasin ng mainstream media ang kanilang media literacy program para mas bigyang halaga ng mamamayan ang old media.
Sinabi ni Arao na masyadong limitado ang Facebook at iba pang social media networks para maging source ng balita.
Dapat anya ay maging isa lamang ang social media sa mga source ng balita at maging kritikal, lalo na sa Facebook bilang daluyan ng impormasyon.
“Kumbaga titingnan lang natin yung Facebook bilang isang source ng information at dapat mas maging kritikal pa nga doon sa information na nakukuha natin. Sa kaso ko halimbawa ako, tinitingnan ko yung Facebook bilang daluyan ng impormasyon at ang kung ano mang pinopost ng Facebook friends ko lalo na yung mga journalists, syempre mas ano doon yung appreciation mo sa mga pinopost nila.” — Pahayag ni UP Professor Danny Arao
(Balitang Todong Lakas interview)