14 na foreign-assisted projects ng Department of Transportation na nagkakahalaga ng 1.61 trillion pesos ang nakitaan ng Commission on Audit (COA) ng delay noong isang taon.
Dahil sa delay, napilitan ang gobyerno na magbayad ng dagdag 128.42 million pesos sa ilang lenders na nagpondo sa mga proyekto.
Kabilang sa mga problemang nasilip ng COA ang mga issue sa procurement, financial at technical concerns kaya’t tumagal ang implementasyon at tumaas ang project cost na nagresulta sa restructuring.
Ilan sa mga nakitaan ng delay ang 6.25 billion peso maritime safety enhancement; 8.79 billion peso greenways; 16.31 billion peso cebu bus rapid transit; 64.92 billion peso LRT line 1 South extension;
9.51 billion peso LRT line 2 East extension; 21.97 billion peso MRT-3 rehabilitation; 777.55 billion peso North-South commuter railway system at 175.32 billion peso PNR-Bicol project.
Idinagdag din ng ahensya na pawang naharap sa magkakatulad na problema ang 14 na proyekto bunsod ng COVID-19 pandemic, condition o availability ng project site, design, scope at technical concerns.
Sa mga nasabing proyekto, siyam ang sumailalim sa restructuring noong isang taon gaya ng Cebu bus rapid transit, LRT Line 1 South at Line 2 East extensions at MRT-3 rehabilitation.