Hindi naitago ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pagkadismaya sa kanyang bunsong anak na lalaki na si Sebastian o Baste dahil sa matagal na itong hindi umuuwi sa kanyang pamilya.
Ang itinuturong dahilan ng Pangulo ay ang madalas nitong pagsama sa sexy actress na si Ellen Adarna na napabalitang naging karelasyon nito.
Tinawag pang trahedya ng Pangulo nang sagutin siya ng kanyang apo na anak ni Baste na mas mahal nito ang kanyang mama kaysa sa kanyang papa.
Agad naman itong sinagot ng presidential son sa pamamagitan ng kanyang Facebook post, sinabi nitong kaya gustong-gusto niya na siya ang paboritong anak ng kanyang ama.
Sinabihan nito ang Pangulo na maging chill lang sa kanyang sitwasyon at ipinaalalang wala na silang relasyon ni Ellen noon pang December.
Baka aniya nakalimutan lang ng kanyang ama na nasabi na niya ang estado ng kanilang relasyon ni Ellen noong magdiwang sila ng Bagong Taon sa tahanan ng kanyang ina.
By Rianne Briones
Photo Credit: Malacañang Photo