Balido ang pagkahirang kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco bilang bagong house speaker.
Ito’y ayon sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa kabila ng pagsasagawa ng botohan sa labas ng batasang pambansa.
Ayon kay IBP National Pres. Domingo Cayosa, sa ilalim ng batas, kadalasang ginagawa ng kongreso ang mga pagpupulong sa Batasan ngunit maaari rin nilang tugunan ang kanilang trabaho saan mga venue sa pamamagitan ng pagkakasunduan o botohan.
Nangyari na aniya ito noon pa, kahit pa online kung saan nagsagawa ng botohan.
Matatandang sinabi ni Alan Peter Cayetano na peke ang sesyon kung saan inihalal ng 186 na kongresista bilang bagong House Speaker si Velasco sa celebrity sports complex sa Quezon City, Kahapon.